SA WAKAS, PINAKAKASUHAN NA NG DOJ ANG MGA OPISYAL NG SMARTMATIC AT COMELEC (MORE BAD NEWS SA SINDIKATO)
Sa isang 41-page resolution, iniutos ng Department of Justice (DOJ) na sampahan na ng kasong criminal ang ilang mga opisyal ng SMARTMATIC at COMELEC dahil sa pagkalikot nila sa script o program ng Transparency Server sa kasagsagan ng bilangan ng mga boto sa 2016 elections.
Pinakakasuhan sa City Prosecutor of Manila ng paglabag sa Sec. 4 (a) (1), (3) at (4) ng Cybercrime Prevention Act o Republic Act No. 10175 sina Marlon Garcia (Project Manager – Smartmatic), Neil Baniqued (Technology Manager – Smartmatic), Mauricio Herrera (Senior Software Engineer – Smartmatic), at ang tatlong COMELEC information technology experts na sina Rouie Peñalba, Nelson Herrera at Frances Mae Gonzales.
Pinaparusahan ng Sec. 4 (a) (1) ang pagkalikot ng computer system na walang otoridad o pahintulot. Habang pinaparusahan naman ng Sec. 4 (a) (3) ang intentional o reckless na pagbago ng computer data. May parusa rin sa Sec. 4 (a) (4) ang paghadlang o pakikialam sa operasyon ng computer at computer network sa pamamagitan ng pag-input, pagbura o pagbago ng computer data at programs na walang otoridad o pahintulot.
Ang lahat ng mga paglabag na ito ay bunsod ng pagkalikot ni Marlon Garcia sa script o program ng Transparency Server. Inamin niyang ginawa niya ito matapos tinawag ang kanilang pansin sa maling spelling ng mga pangalan ng ilang kandidato. Ang tauhan mismo ng Comelec na si Rouie Peñalba ang tumawag sa kanilang pansin. Inirekomenda naman ni Mauricio Herrera kay Marlon Garcia ang pagkalikot kahit pa walang pahintulot ito mula sa COMELEC en banc.
0 Mga Komento