Ilang oras lamang matapos pansamantalang inihinto ang air strike sa kuta ng Maute terror group kaninang umaga ay muli na namang nagpakawala ng bomba ang tropa ng pamahalaan sa Marawi City.
Sa pagkakataong ito ay mas sopistikado na ang gamit nila…ang FA-50 fighter jet na ang ginamit para maglunsad ng opensiba mula sa himpapawid.
Sunod-sunod na pagsabog ang maririnig sa di kalayuan at may mga putok din na nanggagaling sa grounds patunay na may ibubuga pa ang mga kalaban sa kabila nang halos dalawang linggo nang bakbakan.
Ang air asset ng air force ay hindi makita mula sa grounds ay lumilipad at nagpapakawala ito bomba sa ibabaw ng ulap para di makita ng kalaban.
Matatandaang ilang oras din na pansamantalang itinigil ang strike makaraang i-anunsiyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang malungkot na balitang labingisang kagawad ng 15th Infantry Batallion ng Philippine Army ang namatay nang aksidenteng tamaan sa inilunsad na air strike at ikinasugat ng walong iba pa.
Samantala, habang nagaganap ang air strike ay sunud-sunod rin ang pagpasok ng mga armored personnel carrier ng AFP at PNP sa Barangay Sarimanok palatandaan na tuloy pa rin ang ground operations ng mga otoridad.
WATCH THIS VIDEO BELOW
0 Mga Komento