General Dela Rosa, Binanatan Ang Media Dahil Sa Mga Imbentong Istroya


“Maya maya wala pala yung taong nagsabi ng ganun tapos gawa gawa lang ninyo yan”

Ito ang naging buwelta ni Philippine National Police Chief General Ronald “Bato”
Dela Rosa sa ilang media personnel, matapos maglabas ang Reuters ng isang ulat, kung saan sinabi daw ng isang opisyal ng pulisya na exaggerated ang mga datus na pinagbasihan ni Pagulong Duterte sa ginagawang giyera kontra-droga. Ayon kay General Bato, nasisira nito ang mga layunin ng Pangulong Rodrigo Duterte lalo na at ang source ng media ay hindi ipinakilala.

“Sino iyong pulis na yan na nagsabi? Iyan ang mahirap sa inyo gumagawa kayo ng balita tapos ayaw nyong sabihin, sisirain lang yung pinupursue ng Presidente e ayaw palang lumabas, Maya maya wala pala yung taong nagsabi ng ganun tapos gawa gawa lang ninyo yan, ayusin natin dahil mahirap yung ganun,” banat ni General Bato sa mga media.

Nagpaumanhin naman ang PNP Chief sa media personnel na humihingi ng reaksyon ukol sa naging ulat ng Reuters. Ipinaliwanag rin ni General Bato na nahihirapan siya magbigay ng reaksyon dahil parang fishing expedition lang ang ginawang report.

“Pasensya ka na ha. Nagre-react lang ako, ayaw ko sumagot, mahirap kasi magreact sa ganyan. Parang fishing expedition, mahirap, ayokong sumagot. OK lang sa’yo. Huwag ka magtampo sa akin ha,” sabi ni General Bato.

Sa huli, hinamon ni General Bato ang mga pulis na may hinaing, na kausapin siya mismo at huwag idaan sa media ang mga reklamo.

“Sabihan natin yung mga tao natin, yung officer nagsasabi ng ganito, kung may bayag sila ako ang kausapin nila,” dagdag ni Dela Rosa.

Pabor ba kayo sa mga buwelta ni General Bato sa media?

Source: GMA


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento