BESPREN KO ANG JOWA MO!!

Hindi na bago ngayon sa atin ang may nasasaktan at naghihiwalay sa isang relasyon lalo na’t nakikita mo ang kinakasama mo na meron ng iba.

Ang nagiging masakit pa rito ay yung tipong akala mo wala pero magugulat ka na lang dahil mahuhuli mo silang magkasama. Ngunit, ang mas masakit pa rito ay nahuli mo na sa akto pero pilit parin na itinatanggi para makalusot lang.


Isa na rito ang post ng isang concern netizens matapos niyang makuhanan ng video ang isang eksana na nagaganap sa loob ng isang fast food chain sa SM. Ayon kay Ria Angelika Gonzaga ang video na nakunan niya ay sa loob ng isang fast food chain sa SM City Puerto Princesa.

Maliban rito ay hindi pa malaman ang mga pagkakakilanlan ng nasa video at kung ano ba ang tunay na nangyari. Ngunit, kung mapapanood mo ang video ay makikita rito na kinokompronta ng lalaki ang kanyang kasintahan kung sila ba ay may relasyon. Pero sinagot ito ng dalaga at sinabing “Mag-Bestfriend lang kami”.

Ngunit hindi naniwala ang binata rito dahil sa nakita nyang tila nagde-date ang dalawa na sabay pang kumakain. Sinasabi rin ni boyfriend sa lalaki na huwag itong makialam habang nag-uusap sila ng kanyang girlfriend, pero patuloy parin sumasagot ang lalaki sa mga banat nito.

Hati-hati naman ang reaksyon at komento ng mga netizens dito dahil mukha raw itong scripted, pero bandang huli ay hindi sumama ang baba sa kanyang boyfriend at pinili nitong umalis kasama si lalaki..

Panuorin ang buong video.



Source: Facebook

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento