Teenager mom Emjhie Guerrero reaches out to fellow young mothers to never give up on their dreams. Read her inspiring story here
Here is her complete message:
Akala ko hindi na ko makakapag aral o makakapagtapos nung araw na binigay ka sakin ni Lord. 3rd year college ako nun, isang taon na lang gragraduate na pero bigla kang binigay sakin ni Lord, hindi ko alam gagawin ko ng mga panahong yun, ang nasa isip ko lang paano na, paano ko mag aaral, pano ko magagawa yung gusto ng parents ko para sakin.
Pero hindi, sinabi ko sa sarili ko na di pwede yun, 3rd year 2nd sem na nagenroll pa din ako kahit may anghel na ko, di ko alam kung anong mangyayari samin magina nun, na baka pag pumasok ako e matagtag ako pero go pa din pray lang.
Umabot na sa part na may morning sickness na ko, na masama pakiramdam ko pero pasok pa din, lumalaki na tiyan ko nun 7 months na, nanjan na yung mga studyante na ponagtitinginan na ko, pinagchichismisan, pero di ko sila pinansin, wala naman silang alam sa mga pinagdaanan ko hanggang sa May 24 nanganak ako, syempre
June pasukan nanaman 4thyr na, kahit kakapanganak ko lang kahit na may chance na pwede akong mabinat di ko pinansin go pa din para matupad ko yung pangarap ng parents ko.
At eto na yun, yung araw na pinalahihintay ko.
Hindi totoo na magiging hadlang o di ka na makakapag aral kung maaga ka man nagkaanak. Para sakin, lalo ko kailangan makapagtapos dahil may anak na ko. Dagdag inspirasyon kumbaga. umabot na sa point na gusto ko na maggive up sa hirap ng mga gawain sa school pero lagi kong sinasabi at tinatatak sa isip ko na PARA SA ANAK KO, at eto nakuha ko na nga.
Teen moms, wag isipin na hadlang si baby para makuha niyo yung dream niyo instead gawin niyo silang inspirasyon. Patunayan natin sa mga tao o sa mga parents natin na kaya pa din natin makapagtapos kahit na may na may baby na.
This one’s for you my baby girl! I love you so much.
Thank you Lord!
#Teenmom
#degreeholder #BSTM
- A little Boy Drowned In The Swimming Pool And His Family Tries To Resuscitate Him
- He Writes his Ex Girlfriend a Poem that Made the Online World Cry!
- Car Robbery Syndicate Has A New And Strange Modus
0 Mga Komento