Sa gitna ng mga nararanasan natin dahil sakit na novel coronavirus, nahaharap tayo muli dahil sa Bagyong “Ambo” (pangalang internasyonal: “Vongfong”) na naglandfall sa Eastern Samar makalipas ng Huwebes ng tanghali. Pinutol nito ang suplay ng kuryente at nasira ang daan-daang mga tahanan, kabuhayan at pampublikong istruktura kasama na ang mga pasilidad parapag iingat sa coronavirus.
Ang mga video at larawan ng pagkawasak ay pinag-usapan online . Ang mga residente ay nagsabi na ang “Ambo” ay nagdulot ng malakas na pag-ulan at pagkasira ng mga bubong tulad bagyong “Yolanda Jr” kung ihahalintulad sa pinsala sa imprastruktura.
Matapos magbigay ng tulong sa mga manggagawa sa pangangailangang pangkalusugan at iba pang mga front liner sa kanilang pakikipaglaban laban sa COVID-19, habang nanghihinyang sa sinapit ng kanyang alagang aso, si Darna ay bumalik sa pagtulong sa mga biktima ng bagyo!
Patuloy rin niyang tinutulungan ang mga naapektuhan ng pandemya at ipinapadala ang mga ito sa tamang institusyon na maaaring magpadala agad ng tulong.
0 Mga Komento