Umakyat na sa 97 ang bilang ng mga nasasawi matapos ang pagkubkob ng Maute terror group sa Marawi City na sinundan ng matinding opensiba ng military laban sa mga ito.
Sa pinakahuling tala ng 103rd Infantry brigade, nasa 61 miyembro na ng Maute at Abu Sayyaf ang napapaslang, samantalang 19 naman ang nasawing sibilyan.
Nasa 13 sundalo naman at 4 na pulis ang nalagas sa panig ng gobyerno.
Ayon kay Lt. Col Joa-ar Herrera, tagapagsalita ng 103rd Brigade, kanilang sinisikap na limitahan ang epekto ng nagpapatuloy na military offensive sa mga sibilyan.
Tinitiyak rin aniya ng panig ng military na nabibigyan ng kaukulang tulong ang mga residenteng napilitang lumikas sa kanilang mga lugar sanhi ng gulo na pinasimunuan ng Maute group.
0 Mga Komento