Nanindigan ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kanilang pupulbusin ang pwersa ng Maute terror group na nakapwesto sa mga pribadong bahay, gusali ng pamahalaan at iba pang pasilidad sa Marawi City.
Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, layon ng sandatahang lakas ng bansa na malinis ang Marawi City sa lalong madaling panahon.
Dahil ayaw umano ng Maute group na sumuko ay dadagdagan pa ng AFP ang kanilang surgical airstrikes para agad malinis ang lungsod at agad matapos ang rebellion.
Layon umano ng militar na maging malaya na ang Marawi City para sa pagdiriwang ng mapayapang Ramadan sa mga Muslim doon na sumuporta sa mga sundalo laban sa teroristang grupo.
Hiniling naman ng heneral ang pang-unawa ng publiko sa kanilang isasagawang hakbang para maisakatuparan ang kanilang misyon at maiwasan ang pagkawala ng mas marami pang buhay ng mga inosente at ang pinsala ng bakbakan sa private at public property.
“The AFP desires to clear Marawi of the presence of terrorists as soon as possible. In as much as we would like to avoid collateral damage, these rebels are forcing the hand of government by hiding and holding out inside private homes, government buildings and other facilities. Their refusal to surrender is holding the city captive. Hence, it is now increasingly becoming necessary to use more surgical airstrikes to clear the city & to bring this rebellion to a quicker end. We desire to free Marawi City of these evil forces and make way for a peaceful Ramadan for our citizens there who have supported our efforts. We appeal for everyones understanding as we take the necessary steps to accomplish our mission and prevent the lost of more innocent lives and damage to private & public property,” wika ni Padilla.
[source]
0 Mga Komento