BREAKING: 19 Civilian Killed Massacre by Maute Group

Sinabi ng militar na 19 na sibilyan ang pinatay ng mga miyembro ng Maute group matapos namang pasukin ang Marawi City.

Aabot na sa 85 katao ang namamatay matapos ang paglusob sa Marawi ng Maute group na nauna nang nagpahayag ng katapatan sa  Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) group.

Sinabi ng mga otoridad na kabilang sa mga pinatay na sibilyan ay tatlong babae at isang bata, na natagpuan malapit sa isang unibersidad.

“These are civilians, women. These terrorists are anti-people. We found their bodies while conducting rescue operations (on Saturday),” sabi ni  regional military spokesman Lieutenant Colonel Jo-ar Herrera.

Natagpuan ng isang photographer ng AFP ang walong iba pang kalsada sa Marawi kahapon, na kinilala ng mga residente bilang mga empleyado ng isang rice mill at medical college. Sinabi naman ng isang babae na empleyado niya ang mga biktima sa kanyang bakery.

Idinagdag ni Herrera na hindi pa iniimbestigahan ng militar ang sinasabing mga pagpatay.

Nauna nang tinangay ng Maute group ang isang pari at 14 na iba pang bihag mula sa isang simbahan, nanunog ng mga gusali.

Tatlong sundalo, dalawang pulis at 51 militante ang napapatay sa labanan. Sa kabuuan, aabot na sa 85 ang namamatay sa bakbakan sa Marawi City.







UPDATE 05/29/2017 – 1:30pm

Umaabot na umano sa 85-katao ang kumpirmadong patay sa ikalimang araw ng sagupaan sa Marawi City, ayon sa ulat ng militar.

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesperson ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, may 19 sibilyan ang pinatay ng mga rebelde kasama ang mga kababaihan at bata.

“These are civilians, women. These terrorists are anti-people. We found their bodies while conducting rescue operations (on Saturday),” pahayag ni Herrera.

May 13 naman umanong sundalo at dalawang pulis ang napatay sa sagupaan habang may 51 Maute fighters ang nalagas sa panig ng kalaban.

Nakarekober din ang pamahalaan ng 16 matataas na kalibre ng armas na gamit ng Maute group.

Sa 19 na sibilyan kabilang ang walong bangkay ng kalalakihan na pawang mga trabahador ng isang bakery sa Marawi City na natagpuan sa isang open manhole sa lungsod.

Hanggang sa ngayon, nagpapatuloy umano ang pagsasagawa ng surgical airstrike sa Marawi City habang patuloy din ang clearing operations.

Pero sinisikap umano ng militar na tapusin na ang operasyon sa lalong madaling panahon lalo’t panahon na ng Ramadan.

“Hangad ng AFP na malinis laban sa presensya ng terorista sa lalong madaling panahon ang Marawi nang walang malaking damage,” wika ni Herrera.

Naunang sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na kailangan pa rin ang airstrike dahil pinupu­wersa ng mga rebelde ang gobyerno na gawin ito.

“In as much as we would like to avoid colla­teral damage, these rebels are forcing the hand of government by hiding and holding out inside private homes, government buildings and other facilities,” ani Padilla. “Their refusal to surrender is holding the city captive. Hence, it is now increasingly becoming necessary to use more surgical airstrikes to clear the city and to bring this rebellion to a quicker end.”

Source: Bandera / Abante-tonite
[source]


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento