MUST READ: Ogie Diaz Defended Duterte Critics

In a facebook post of comedian, talent manager, and radio host Ogie Diaz, he blasted staunch critics of President Rodrigo Duterte, who are Jim Paredes, Cynthia Patag, and Leah Navarro for always criticizing the current administration.

According to Diaz, those three critics of the President couldn’t see anything good of the Duterte administration, but only faults.

Just recently, when President Duterte declared Martial law in the entire island of Mindanao due to the attacks of the terror Maute group in Marawi, they slammed again the President through their social media. And here are some of what they said:

1
2
3


Read the message of Ogie Diaz below:

Sorry, ha? Pero wala nang makitang maganda sina Jim Paredes, Cynthia Patag at Leah Navarro sa ginagawa ng gobyerno.

Kanya-kanya sila ng opinyon na kumakalaban sa gobyerno. Ire-repost ‘yung mga post ng mga anti-duterte with matching sariling opinyon, baka sakaling makumbinsi ang taumbayan.

Okay lang ‘yon. Ang masaklap: iaangat n’yo naman ang dating administrasyong Aquino at tila yata bulag din kayo sa mga kapalpakan ng gobyerno ni PNoy.

Asan ang fairness doon?

Pwede nilang sabihing wala akong pakialam sa opinyon o stand nila. So ‘yun din naman ang gusto kong sabihin ngayon sa kanila.

Opinyon ko ‘to. Paninindigan ko ‘to.

Kaya eto lang ang gusto kong sabihin….

‘Wag n’yo nang ikumpara ‘yung ganda ng nakaraang administrasyong Aquino. Sooobraang daming palpak at katiwalian din, hindi n’yo lang maamin sa sarili n’yo.

Kung me corruption man ngayon, o kapalpakan sa mga desisyon, eh mas mataas pa din ang bilang ng kanegahan sa rehimen ni PNoy. Yan ay kung para tayong mga batang nagyayabangan, ha?

Eh, sa totoo lang, ang daming alam ng ibang tao tungkol sa pamamalakad ng gobyerno, tungkol sa martial law, tungkol sa kung paano dapat gawin ang kapayapaan sa bansa at kung anik-anik pa.
Eh, gano’n naman pala, di sana, tumakbo kayo sa pagkapangulo nu’ng 2016 o kaya paghandaan n’yo na sa 2022 kasi andami n’yong alam, eh.

Kalokah! Ba’t di na lang ganito ang gawin nina Jim, Cynthia at Leah at sa iba pang mga kumokontra:
Magdasal. Ipagdasal ang bansa. Ipagdasal ang mga inosenteng nadadamay sa engkwentro sa Marawi City, ipagdasal na sana’y matapos na ‘to. At isingit n’yo na rin sa inyong taimtim at sinserong dasal na sana ay gabayan ng Panginoon ang Pangulo sa bawat desisyong kanyang gagawin.

Kahit hindi n’yo pa i-post sa social media accounts n’yo.

Pero kung ayaw n’yo talaga kay Duterte, eh kahit anong ganda ang gawin nyan sa bansa, hahanapan at hahanapan pa rin naman siya ng butas.

Samantalang ang mga “sariling butas” ay nasa tungki na ng mga ilong n’yo, hindi n’yo pa rin makita at maramdaman. Haaaay…..

Source: Ogie Diaz Facebook Account

[source]


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento