Bakit blackout ang Mainstream Media sa Comelec Issue?

Ang sambayanang Pilipino ngayon sa Pilipinas ay dismayado dahil sa pananahimik ng Philippine media tungkol sa isang malaking issue na kinasasangkutan ng Comelec at Smartmatic. Nagtataka ang taumbayan dahil sa walang ginagawa ang media sa Pilipinas para ibalita sa kanilang mga balitaan kung ano ngaba talaga ang kaganapan sa issue ng pandaraya na nito lamang ay nagkabistuhan.

Ang issue na ito ay hindi lamang basta simple kundi ito ay napakalaking problema na dapat panagutan ng mga sangkot gaya ng Comelec at Smartmatic na siyang nagmaniubra upang maganap ang pagmamanipula ng mga boto at mailusot ang mga kandidatong Liberal Party.

Katakot-takot na issue ito na hindi inilalabas sa mga balitaan ng mainstream media sa Pilipinas. Ngunit kung balitang ikakasira kay Pres. Duterte ay mabilis ang kanilang aksyon at higit pa ang kanilang pagbabalita, subalit sa issue ng pagmamanipula ng Comelec ay nanahimik ang media.

BAYAD NGABA ANG MAINSTREAM MEDIA NG MGA DILAWAN O OLIGARCHS? 

Kaya ba tikom ang mga bibig ng mainstream media ay dahil sa nasuhulan na naman sila ng dilawan at mga oligarch? Dapat sana ay ang ganito kalaking issue ay dapat ginagawang headline ng media ngunit WALANG GANONG BALITA SA KAHIT NA SAANG TV NETWORK STATION.

Tikom ang camera ng News 5, 24 oras, TV Patrol, CNN Philippine News, at marami pang iba. Walang ibinabalita patungkol sa malaking issue na ito dahil posibleng nasuhulan sila upang manatiling tikom ang bibig at hindi malaman ng sambayanang Pilipino sa buong mundo ang ginawang panloloko ng Comelec at Smartmatic.

Kung tikom ang mainstream media, marapat lamang na mag-ingay ang taumbayan sa social media. Maiging magsaliksik sa tunay na kaganapan sa ating bansa at huwag umasa sa mga bayarang Mainstream Media.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento