Isa itong palaisipan na katanungan tungkol sa pagkapanalo ni Pres. Duterte at pagkatalo naman ni Bongbong Marcos as Vice President ng Pilipinas.
Kung nandaya ang Liberal Party, bakit natalo si Roxas at nanalo naman si Robredo? Kabaliktaran din itong tanong sa, kung totoong minanipula ng “dilawan” ang halalan 2016, bakit nanalo si Pres. Duterte, samantalang natalo naman si Bongbong Marcos?
Bibigyan ko lang ng mas malinaw na paliwanag ang mga pangyayari para mas maintindihan ng iba ang katotohanang ito sa naging kaganapan noong halalan 2016.
Bago paman ang eleksyon ng 2016 ay matunog na ang pangalang Duterte at Marcos, laging nangunguna sa survey at nasa mataas na percent lagi na makikita mo ito sa lahat ng pahayagan subalit nung actual na botohan na ay biglang bumaba ang gabundok na lamang ni Marcos kay Leni samantalang hindi na napigilan ang lamang ni Duterte sa mga kalaban.
Ganito yan mga kababayan..
Minanipula ng Liberal Party ang eleksyon, mayroon silang Plan A, Plan B, at Plan C. Ang plan B ang naganap dahil di nila kaya ang Plan A na ilaglag si Duterte dahil masyado nang halata kaya ang Plan B ay ilaglag si Bongbong Marcos at panalunin si Leni Robredo gamit ang staff ng dilawan na COMELEC at SMARTMATIC.
Kung kaya’t ang nangyari panalo si Duterte at natalo naman si Bongbong Marcos, dalawang mga malalakas na kandidato noong 2016.
0 Mga Komento