MUST READ: HISTORY FACTS| Kasaysayan ng Pangagamit ng Dilawan

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging madamdamin, sa tuwing mayroong nakakaawang pangyayari ay mabilis na nakukuha ang damdamin ng mga Pilipino.

Ito ang nadiskubre ng mga hangal na pulitiko sa ating lahing maharlika noong panahon ni Pangulong Marcos. Nakita nila ang isa sa pinakamalalim na kahinaan ng mga Pilipino at ito ay ang gamitin ang “emosyon” ng mga Pilipino para paikutin ang ating bansa sa mundo ng Pulitika.

Gamit ang mga black propaganda, o mga tsismis noon laban kay Ferdinand Marcos ay nilapastangan ang mga damdamin ng mga Pilipino.

Nagpakalat sila ng kung ano anong mga balita at isa ito sa ginamit nila para pabagsakin ang emosyon ng mga Pilipino at mag alsa laban sa maayos na pamamahala ni Marcos.

Kasinungalingang bumuhay sa emosyon ng mga Pinoy noon para lumaban kay Marcos. Ginamit nila ito, at nilapastangan hanggang sa walang alam ang iilang Pilipino na niloloko lang ang kanilang mga damdamin para sa kasakiman ng mga kalaban ni Marcos sa Pulitika.

Bumagsak si Marcos noong 1986, at nang pumalit si Cory Aquino ay dahan dahang bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas hanggang sa naghirap ng nag hirap ang ating bayan.

Matapos ang ilang dekada ang nakaraan ay nagpatuloy ang pamamayagpag ng tinatawag na “dilawan” sa ating bansa sa mundo ng pulitika. Nanatiling gapos ang damdamin ng mga Pilipino sa mga kamay ng mga mapagkunwaring pulitiko.

Hanggang sa kasalukuyan, ay ginagamit parin ito ng mga dilawan, ito at ang emosyon ng mga Pilipino na pinaglalaruan. Kapag mayroon namumuno na maayos, may matinong pamamalakad, ang trabaho naman ng grupo ng dilawan ay pabagsakin ito dahil sa mawawalan sila ng boses at kapangyarihan at mauubos ang kanilang mga iligal na gawain kapag nagpatuloy ito.

Gamit ang media, simbahang katoliko, at iba pa ay pinaparating nila sa mga Pilipino na hindi matino ang pamahalaan, at tutumbukin nila ang maayos na liderato at pababagsakin ito.

Maglalabas ang media, mga pari, mga sakim na pulitiko ng mga black propaganda o tsismis para makuha ang simpatya ng tao at mahulog sa kamay ng dilawan ang emosyon ng tao.

Ginagamit ng dilawan hanggang sa ngayon ang emosyon ng mga Pilipino na para bang teleserye sa gabi na iniiyakan ng marami subalit walang katotohanan sa totoong buhay.

Ganon ang nangyayari ngayon, kaya’t sana makita ito ng mga Pilipino. Muling mabuhay ang kaisipan ng lahat na tama na ang panggagamit ng dilawan sa mga emosyon ng marami.

Kapag nangyari ito na mawala tayo sa kulungang taktika ng mga dilawan, siguradong lalago ulit ang ating bayan.

Gamitin ng tama ang ating mga damdamin para sa isang tunay na pagbabago. Sabi pa nga ni Duterte, change is coming, ngunit ang pagbabago na yan ay magsisimula mismo sa ating mga sarili.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento