PART 1: Hangga’t may mga Pilipinong nauuto ng dilawan, di uunlad ang Pilipinas

Masusing pag sisiyasa’t sa tunay na dahilan ng pagkakaroon ng mabigat na suliranin ng Pilipinas na magpahanggang ngayon ay nararanasan ng bawat pamayanan at ng buong pamilyang Pilipino.
Sa unang yugto ng aking opinyon mula sa masusing pagsisiyasat at pananaliksik ay nakita ko ang isa sa problema ng Pilipinas na nagiging dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bayan.
Unang nakita ko kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas ay dahil sa may mga Pilipinong madaling malinlang ng mga gahamang pulitiko at maging mula sa mga bayarang media sa Pilipinas. Makikita mo iyan kahit sa mundo ng social media na may mga Pinoy na talaga namang kitang kita ang iisang utak na walang ibang laman kundi ang pagiging mangmang sa katotohanang niloloko lang sila ng dilawan.

Hanggat may mga nagpapalokong mga Pilipino sa kamay ng mga dilawan ay talagang malabo ang pag usad ng ating bansa, bakit? kasi nga hindi nila makita ang magandang nangyayari dahil hindi nila mabuksan ang kanilang isipan na niloloko lang sila ng kultong dilawan.
Ang tinutukoy ko ditong dilawan ay ang grupong nakasuot ng dilaw na pinamunuan noon ni Cory Aquino, Ramos, at maging itong si Noynoy Aquino. Sila ang grupo na walang ibang hinahangad kundi ang sirain ang mga leader na nakikita nilang may maayos na pamamalakad sa bansa, dahil sa masisira ang kanilang mga iligal na gawain kung sakaling magtutuloy-tuloy iyon.
Sa kasalukuyan, ang Liberal Party ay kumikilos at gumagawa ng mga mga black propaganda o tsismis para masira ang mga maayos na namumuno na leader halimbawa diyan ay si Pangulong Duterte na gusto nilang patalsikin dahil sa simula nung namuno siya ay nahinto at humina ang pagnanakaw ng dilawan sa kaban ng bayan, at hindi na sila basta makagalaw.
Maraming Pilipino ang masasabi ko na hanggang ngayon ay nababalot parin ng mga kalituhan dahil sa mga kadramahan at kasinungalingan ng mga mapanlinlang na dilawan. 
Sana maging mapagmatyag tayong mga pinoy at huwag basta na magpaloko sa mga panlilinlang ng mga sakim sa kapangyarihan dahil, hanggat may nagpapalokong mga Pilipino sa mga kasinungalingan ng dilawan ay malabo ang pag-usad ng ating bansa at hindi aangat ang ekonomiya ng ating bayan.
Nawa’y may natutunan tayo ngayon mga sangkay at maging babala ito sa nakararami. Hanggat maaari ay i-share natin ang artikulong ito upang maging aware ang mga Pilipino at mabawasan ang kamangmangan ng iilan.
Abangan ang Part 2!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento