Sana naging tapat ang Comelec sa kanilang tungkulin sa pagsasaayos ng isang malinis na halalan sa bansa. Ngunit ang inaasahan ng marami na makakatulong sa maayos na halalan ay naging pasimuno pa sa paggawa ng kalokohan para dayain ang boto ng mga Pilipino.
KAMPIHAN
Ginamit ng dilawan ang Comelec at ginawang makina ng pandaraya naman ng comelec ang Smartmatic para manipulahin ang boto ng buong sambayanang Pilipino. Masakit man malaman ang katotohanan pero naging tila sindikato ang ang comelec sa kanilang panloloko sa mga Pilipino nagsusumikap na bomoto tuwing eleksyon.
Nakakalungkot isipin na mula pa pala 2010 ay kontrolado na ng Dilawan ang boto ng buong bansa kaya pala napakaraming nakakalusot na Liberal Party sa eleksyon dahil sa matinding dayaan na hindi napansin ng lahat.
NALINLANG
Napaglaruan tayong mga Pilipino ng dilawan at comelec at pinaikot-ikot sa kanilang mga palad. Pinagkaitan ng karapatan na pumili ng tamang leader sa ating bayan dahil sa karumal-dumal na panloloko ng mga hangal.
Sana naging tapat ang Comelec sa kanilang trabaho, sana di sila nagpagamit, sana di nila tayo pinaglaruan.
Sa gawaing ito ay ginawa tayong mga Pilipino na mga mangmang kaya sana maging aral ito sa ating lahat na maging mapagmatyag, lalo na ngayong kilala na natin ang tunay na mga kalaban ng ating bayan na nagkukunwaring maka Dios pero ubod pala ang kasamaan.
Huwag tayong papayag na magpatuloy ang ganitong mga gawain na lagi nalang tayo naloloko ng mga corrupt officials gaya ng Liberal Party.
0 Mga Komento