Hindi Na Kinaya, 8 Maute Group Sumuko Sa AFP

Government soldiers guard members of the Maute extremist group on a military truck bound for the Lanao del Sur provincial jail in Marawi City. They were arrested at a military checkpoint on Aug. 22, but they were freed by their comrades in a daring jailbreak on Saturday. AFP FILE PHOTO

8 Maute sumuko na

Dahil hirap na at wala nang kakayahang lumaban, hawak na ngayon ng militar ang walong mi­yembro ng Maute terror group na sumuko sa puwersa ng Philippine Marines sa Marawi City.

Ayon kay 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Tiger Commander Brig. Gen. Custodio Parcon, ang mga sumukong terorista ay nag-o-operate sa bahagi ng Mapandi sa Marawi City.

Dahil dito, sa tantya ng mga sundalo, hindi na aabot sa 50 mga terorista ang hinahabol ngayon ng mga Marines sa Mapandi na sa deskripsyon na ibinigay ni Parcon ay sporadic ang labanan sa area at hindi commensurate sa combat power na ibinibigay ng mga sundalo.

At dahil tumatakbo na ang mga kala­ban, maituturing na running gun battle ang nangyayari sa kanilang area.

Gayunman, sinabi ni Parcon na maingat din sila na pumasok sa mga lugar dahil hindi nila makumpirma kung may mga nakapuwestong kalaban.

“We hit them hard tapos, takbo na naman sila, but we are very careful, you know ‘pag kasi minsan ‘pag pumasok ka sa may tinatawag din silang engagement areas then meron ‘yung they have enough combat power baka ipintakasi kami so we are avoiding that kind of situation,” ayon pa kay Parcon.
[Source: AbanteTonite]


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento