Naka-shabu Daw Ang Maute Group Bago Sumulong sa Marawi City?

GUMAGAMIT ng shabu ang mga miyembro ng Maute group kaya’t mabangis na nakikipagba-rilan sa mga sundalo sa Marawi City, ayon sa
aking espiya sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang mga Maranaw—Moro ng Lanao—ay hindi tanyag sa pagiging matapang, di gaya ng mga Tausug ng Sulu at Tawi-Tawi, dahil karamihan sa kanila ay mga negosyante.

Ang mga taong nakashabu ay nawawalan ng matinong pag-iisip, kaya raw mabangis ang mga Maute group sa pakikipaglaban sa mga sundalo at pulis sa Marawi.

***

Ang Marawi City, na kilala na seat of Islam sa bansa, ay notorious sa pagkalat ng shabu sa mga kabataan nito.

Ipinagbabawal ng Islam ang pag-inom ng alak, mas lalo na ang paggamit ng ilegal na droga, pero marami sa mga followers nito na hindi sumusunod sa ipinagbabawal.

Karamihan sa mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Sulu at Basilan, na mga Islamic fundamentalists gaya ng Maute, ay gumagamit ng shabu kaya’t fight to the finish kapag napapalaban sila sa mga government troops.

***

Maraming sibilyan, kasama na rito ang walong trabahante na natagpuang bangkay sa isang bangin sa Marawi City, ay pinatay dahil sila’y mga Kristiyano.

Ang Maute group, na pinamumunuan ng magkapatid na mga dating overseas contract workers ng Middle East na sina Omar at Abdullah Maute, preaches hatred for people who embrace other faiths.

Ang mga bandidong Maute ay followers ng ISIS o Islamic State in Iraq and Syria na nagpapanukala na magtayo ng caliphate o Islamic kingdom sa buong mundo.

Many people in Europe look with suspicion at refugees or citizens from the Middle East who live in their countries because of ISIS.

This suspicion has prompted some people in Sweden to burn down a mosque.

WATCH VIDEO BELOW:

[source]


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento