NAKAKATAKOT! Duterte says ‘Ulo ng mga terorista dalhin sa akin’

Ulo ng Maute-ISIS dalhin sa akin

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo at pulis na nakiki­paglaban sa Maute group sa Marawi City na dalhin sa kanya ang ulo ng mga terorista.

“Marami na akong patay na sundalo pati pulis. I will not talk to you. Ah anong sabihin ng mga tao, mga leaders nila, wala akong pakialam. Kaya ka­yong nandiyan, lumaban na kayo nang husto, kasi ang order ko talaga, dalhin ninyo ang ulo ng mga p****** i**** ‘yan,” wika pa ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe kamakalawa ng gabi sa mga pulis at sundalo sa Ebuen Air base sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Aniya, nagpipigil lamang siya pero kaya niyang tapusin sa loob ng 24 oras ang Maute group na naglunsad ng pag-atake sa Marawi City noong Mayo 23.

“Pero itong full-scale invasion ninyo sa Marawi, we will deal with you as we would like to deal with any terrorist. Kung pumunta kayo diyan, makipagpatayan, ibigay namin sa inyo ang gusto ninyo,” wika pa ni Duterte sa mga sundalo at pulis bago ang boodle fight kamakalawa ng gabi sa Cebu.

“Sabihin ko lang, bombahan mo ‘yang lahat. Eh ’di tapos tayo. But you know, we have to save lives, we have to save innocent people because we are a society of civilized people and there is a governance here. Nagpipigil-pigil lang ako, so timpla-timpla lang muna tayo. We fight it’s a — just like a police law and order thing. Pero kung sabihin ninyo na you’ll try to come here to terrorize and establish your order, ah my order really is to shoot you and to shoot you dead,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo, hindi siya makikipag-negotiate sa terorista kahit ano pa ang gawin ng mga ito sa hawak nilang mga hostages.

Samantala, pinag-aaralan naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad na maglunsad din ng air strike sa mga Mosque, Simbahan sa Marawi City na ginagawang safe haven ng mga terorista.

Ayon kay AFP spokesman Gen. Restituto Padilla, may kautusan si AFP chief of staff Gen. Eduardo Año na pag-aralan ang probisyon sa Geneva Convention at International Humanitarian Law hinggil sa exemption na puwedeng bombahin ang mga Mosque na ginagawang safe haven ng Maute group sa Marawi City.

Sinabi ni Gen. Padilla sa Mindanao Hour briefing kahapon, mahigpit din ang kautusan ni Gen. Año na dapat manaig ang pag­liligtas sa mga inosenteng sibilyan at iwasan na magkaroon ng ‘collateral damage’ sa ginagawang military operations laban sa Maute group.

Gayunpaman, wika pa ni Padilla na hindi nila isinasantabi ang mga paraang kayang gawin ng militar para tapusin ang krisis alinsunod sa umiiral na batas Geneva convention na may kinalaman sa giyera.
[Read full: PhilStar]


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento