Inumpisahan na ngayong araw ang recount sa Vice Presidential race noong 2016 election. Matatandaan na natalo si Bongbong Marcos ni Leni Robredo matapos hayagang dayain ang halalan noong 2016 ayon sa kampo ni Bongbong Marcos at dahil din sa napakaraming ebidensya na lumabas.
Dahil sa di nagpatinag si Bongbong Marcos, naghain ito ng election protest laban kay Leni Robredo na siyang sinasabing nagnakaw ng boto sa isang tulog lang.
Ngayong araw, April 2, 2018 ay nagumpisa na nga ang recount, subalit iba’t-ibang error agad ang nakita sa mga ballot boxes na siyang bibilangin ng maayos.
PROBLEMA SA MGA BALLOT BOX
1. Ilan sa mga audit log sa loob ng ballot box ang nawawala.
Hindi maaaring mawala iyon at napaka imposibleng mawala dahil nga nakatago na ito ng maayos, maliban nalang kung mayroong gumalaw nito.
2. Mga ballot boxes mula sa CamSur nabasa, o mas klarong binasa.
Isa pa itong pinaka imposibleng mangyari, ang mabasa ang mga ballot box dahil nakabalot na ito ng plastik. Nabasa ngaba o binasa para makapandaya ulit?
3. Mga ballot box, naka sealed ngunit ilang ballot box, may butas at tinapalan lamang ng tape.
Papaano ngaba nangyaring nabutas ang iilang ballot box kung nakalagay naman ito ng maayos? Napakalabong mabutas ang mga ito ng walang gumalawa. Nabutas ngaba o binutas at pinakialaman ang laman nito?
TAHIMIK ANG MEDIA
Sa mga error na nangyayari ngayong umpisa ng recount ay hindi ito maibalita ng media, bakit ngaba? dahil ngaba pinatatahimik sila ng mga dilawan at mga oligarchs sa bansa?
Ang mga ganitong pangyayari ay dapat nakakarating kaagad sa ating mga kababayan lalo na’t boto ng mamamayang Pilipino ang mga ito.
Hayagang kabalbalan na naman ang ginagawa ng dilawan upang hindi maipalabas ang katotohanan, klarong pang aalipusta na naman ito sa ating mamamayang Pilipino.
Tandaan natin na ang Comelec ay isa sa mga aso ng dilawan na siyang pwedeng gumalaw sa mga ito, o kung ano mang kababalaghan ang ginagawa, ito ay isang hakbang na naman sa isang pangmamanipula sa recount.
0 Mga Komento