MUST READ| Ang malaking problema ng mga Pilipino, dahilan sa di pag-usbong ng bansa

May iilan sa ating mga kababayan na ang iniisip na malaking problema sa Pilipinas ay ang malalang kahirapan.
Ngunit hindi ito ang pinakamalaking problema kung ating pag aaralan. Oo totoong malala ang paglaganap ng kahirapan ng ating bayan subalit may isang pinaka dahilan kung bakit ang Pilipinas ay nananatiling mahirap, ito ay ang “disiplina”. 
Kawalang disiplina ang dahilan kung bakit nahihirapan sa pag-angat ang ating bansa, na kahit san ka tumingin ang mga Pilipino ay hindi na marunong sumunod sa batas at kahit sa mga simpleng pamamaraan lang ng pagpapakita ng disiplina sa kapwa ay hindi na magawa.
Sa isang simpleng pagtapon ng basura sa maayos na lagayan ay hindi na ito magampanan ng mga Pilipino.
Makikita mo sa kapaligiran ng ating bayan na malayo na sa nakaraang may disiplina at may respeto sa isa’t isa ang kapwa nating mga kababayan.
Ito ang katotohanang kailangan makita ng lahat na ang kawalang disiplina ng mga Pilipino ay ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang minamahal nating bayan.
Kapag bago ang namumuno sa itaas, kahit na matino ito ay di padin magawang sundin dahil nga wala nang disiplina ang mga Pilipino.
Kung magkakaroon lang sana ng disiplina ang mga Pilipino ay dahan dahang uunlad ang ating bayan na kung saan nilugmok ng mga sakim sa kapangyarihan.
Nagsimulang mawala ang disiplina ng mga Pilipino noong pinauso ng dilawan ang pagrerebelde sa ating pamahalaan kaya kita niyo naman ang resulta, naghihirap ang ating bayan.
Nawala ang respeto sa isa’t isa ng mga Pilipino kung kaya’t di makaahon ang ating bayan sa paglago.
Nawa’y ang artikulo na ito ay maipaabot sa lahat ng ating mga kababayan na sana maibalik ang dating disiplinadong mamamayang Pilipino.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento