LOOK| Pinatay ng isang Ama sa taga ang kanyang kinakasama at 2 nilang anak

Isang Malagim na trahediya ang sinapit ng isang pamilya sa San Andres, Romblon matapos patayin sa taga ng lalaki ang kaniyang kinakasama at dalawa nilang batang anak nitong Martes. Ang suspek, napatay naman ng mga rumespondeng awtoridad.
Kinilala ang mga biktima na si Mylene Talangan, 31-anyos, at dalawa niyang anak na sina Emilyn Falceso, 9, at Erwin James Falceso, 5. Napatay naman ng mga awtoridad ang suspek at padre de pamilya na si Michael Forlaje Falceso, 33.
Ayon sa San Andres Municipal Police Station, isang tawag ang natanggap nila tungkol sa insidente ng patayan sa Barangay Calunacon dakong 6:31 a.m. Pero nang dumating umano ang mga pulis sa lugar, sumugod umano ang suspek kaya binaril ito na dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Sa loob ng bahay, nakita ang duguang bangkay mag-iina.
Bago ang krimen, sinabi ng iilang kapitbahay na nag-aaway ang mag-asawa pero nabanggit kung ano ang posibleng dahilan.
Samantalang nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan.




Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento