Nasa Lima ang kumpirmadong nasawi nang gumuho ang apat na palapag na bunkhouse na tinutulugan ng mga construction worker ng isang kumpanya sa Cebu City nitong Martes ng madaling araw.
Nangyari ang trahediya dakong 3:00 a.m. habang natutulog ang mga manggagawa.
Kaagad na dumating ang mga rescue team at inabot ng umaga ang pagkuha sa mga biktima na nadaganan ng gumuhong mga bakal at semento.
Sa paunang impormasyon mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Council, lima ang nasawi at nasa 100 ang sugatan, 10 sa kanila ang malubha ang lagay.
Inaalam pa ang dahilan ng pagguho pero lumalabas na mahina umano ang mga materyales na ginamit sa bunkhouse at hindi kinaya ang bigat ng mga natutulog.
0 Mga Komento