Kumakalat ngayon sa Social media ang panawagan na palayain na si Heneral Jovito Palparan sapagkat wala naman itong kasalanan. Kung sasaliksikin mo rin kasi ang record ni Gen. Palparan ay isa siya sa may outstanding na record sa sandatahan ng Pilipinas na walang takot humarap sa komunista at nasusugpo niya ang kahit na anong sakit sa ulo ng bayan mula sa mga NPA.
PAGSISIWALAT NG ISANG BLOGGER NA SI SANGKAY JANJAN
GUSTO NG PAMAHALAAN MAUBOS AT MABURA NA ITONG MGA KOMUNISTA SA PILIPINAS? Ilabas si General Palparan sa kulungan dahil wala naman talaga siyang kasalanan.
Si General. Palparan ang kinatatakotan ng lahat ng mga komunista sa Pilipinas dahil sa galing, matalino mag plano, at matapang at hindi nagpapasindak sa mga rebeldeng komunista sa bansa (NPA).
Noong malaya pa siya, lahat ng lugar na napupuntahan niya para pangunahan ang mga kasundaluhan ay nagiging matagumpay at NADUDUROG ang mga komunista.Mahigpit si Gen. Palparan! Isa sa mga lugar na na-assigned siya ay ang Samar kung saan namamayagpag noon ang mga komunista, ngunit noong pangunahan ito ni Palparan ay gutom at takot ang inabot ng lahat ng miyembro ng mga NPA kaya halos lahat ay sumuko at ang nagmamatigas ay nauuwi sa hukay dahil sa lumalaban pa ito.Naging tahimik ulit ang Samar at hanggang ngayon hindi na umugong ang malakas na pwersa ng NPA sa Samar dahil pinabagsak ito ni Palparan.Sa kasamaang palad ay pinakulong si Gen. Palparan dahil sa ginampanan niya ang kanyang tungkulin para ipagtanggol ang demokrasya sa bansa laban sa mga komunista. Nagbayad ang mga pulitikong ginagamit ang mga komunista sa kanilang pansarili lang para mag rally at palabasin na si Palparan ay masama. Sinampahan ng kaso, at dahil nga si Noynoy (Dilawan) pa ang namumuno noon ay napakulong siya ng walang kasalanan.Sana talaga makalaya na si Gen. at kung maaari lang makabalik sa tungkulin niya at pulbusin na itong mga naghahari hariang mga rebelde na ginagamit ng dilawan.
PANAWAGAN NG NETIZENS, PALAYAIN NA SI PALPARAN
Sa post ng isang facebook page na Sangkay Janjan Blog ay mababasa dito ang malawakang panawagan ng netizens na palayain na si Gen. Palparan sa dahilan na wala naman itong kasalanan dahil ginampanan lang niya ang kanyang tungkulin na tugisin ang mga komunista sa Pilipinas.
0 Mga Komento