Hindi mo aakalain na sa ilalim ng isang napakagandang Siyudad sa ating bansa ay mayroong nakatagong sekreto na magsasabi tungkol sa mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas.
Sa mga nagdaang taon, isang lihim ang ikinukubli ng siyudad sa atin. Kung saan ang lihim na ito ay halos nakalimutan na nang dahil sa mabilis na pag-usad ng buhay, at natabunan na ng iba’t ibang mga gusali.
Kumusta na kaya ang kalagayan ng underground tunnel na ito matapos ang mga dumaang digmaan, makalipas ang ilang taon? Samahan natin si Sandra Aguinaldo (GMA 7 Documentary) na balikan ang Fort Bonifacio Tunnel na matatagpuan sa Bonifacio Global City sa Taguig sa kanyang pagsiyasat sa lihim sa ilalim ng siyudad.
0 Mga Komento