Journalist to Anti-Marcos: “Hindi lahat ng Pilipino ay nagdusa noong Martial Law”


Journalist Ira Panganiban shared his own experienced growing up under the Martial Law. He started his story by describing the situation of his family.

Their family was not rich, they started at the bottom and make their way up through his father’s hard work and effort.

He said that his father sent him and his siblings to good schools and his mother was a plain housewife because his father’s salary was good enough for their needs.

When they were young, they do not worry or fear the streets even during nights because the police were their friends, but they are afraid of soldiers because they carry guns to maintain peace and order.

He also said that during his teenage years, he was brought to Camp Crame because of curfew law. However, he was never tortured or imprisoned, he just scrubbed walls the whole day.

He ended his letter by saying, not all things were bad under the Martial Law.

Read his full letter below:

“50-years old na ako. Siguro panahon na para may magkuwento ng buhay niya noong Martial Law. Yung iba naman sa palaging kuwento ng kabuktutan at karahasan noong panahon na iyon.

Tahimik po kaming lumaki sa Kamaynilaan noong Martial Law. Nag simula kami sa mahirap at umakyat sa hagdan ng tagumpay ang aking ama sa sarili niyang pagsisikap.

Nagaral habang Security Guard sa gabi. Natapos at nagtrabaho sa isang malaking kumpanya. Umangat hanggang naging boss.

Pinagaral niya kami sa mahusay na mga paaralan habang ang nanay ko naman ay isang ulirang maybahay. Hindi kinailangan magtrabaho dahil sobrang sapat ang sahod ng aking ama para sa kailangan namin.

Noong bata ako naglalaro kami sa kalye ng walang takot kahit gabihin kami. Ang pulis ay kaibigan namin. Takot ka sa sundalo dahil may baril pero hindi sila nanggugulo.

Kalaunan ay naging binata na kami. Nagkabisyo, napahilig sa good time at inaabot ng curfew. Minsan kami nahuli sa curfew, dinala kami sa Camp Crame para magkuskos ng pader buong araw. Pagkatapos ay sinundo kami ng magulang namin na tinawagan ng PC pagkatapos kunin ang address at telepono namin. Hindi na kami ulit lumabag ng curfew.

Nag-commute kami papasok ng school noong High School. Yung jeep at dilaw na mini-bus. 45 minutes mula Sucat hanggang Ortigas, dalawang sakay pa ito, Sucat-Baclaran tapos Baclaran-Ortigas.

Hindi po kami takot sa kidnapper at pag may problema puwede ka humingi ng tulong sa pulis. Hindi ko sinasabing santo mga pulis nung araw. Meron din gago. Minsan, naglalakad kami pauwi galing Phase 1 sa BF Paranaque, pinagtripan kami ng isang pulis. Dahil magulo daw kaming mga kabataan sa presinto kami maglamyerda.

Sa presinto tinitignan nung pulis yung mga relos namin. Gusto kunin. Sinita siya nung Sarhento de Mesa niya na huwag patulan ang mga bata at idamay sa kalokohan niya. Nung umalis yung gagong pulis tumawag ng tricycle yung Sarhento at pinauwi na kami.

Kolehiyo, nagaral din ako sa UP sandali, na kausap ang mga tibak, yung iba naging barkada ko pa. Kainuman, nakikitira sa dorm nila, nakikinig sa diskusiyon nila. Naintindihan ko naman sila at hinaing nila. Kaya siguro naging reporter ako, yung puso ko ay nahuli nila.

Pero hindi ako nagtagal sa Peyups, nasobrahan sa inuman at diskusiyon ng dialectics sa gabi di na nakapasok sa subjects, sibak ako. Sa ibang paaralan sa Maynila ako natapos.

Nung mga panahon na iyon, kabataan ko, bago pumasok at sumabak sa trabaho at buhay, medyo semplang din ako. Lassengo, puro good time, laging nasa kalye. Pero hindi ko naranasan yung sinisigaw ng mga anti-Marcos noon. Kahit gago, sinisiguro ko na yung kagaguhan ko ay nasa loob ng limitasyon ko. Pushing the limit of my boundaries ika nga.

Pero hindi ako maka-Marcos. Rebelde din kami. Napaskel pa nga ang mukha namin sa cover ng isang political magazine noon dala ang bandila natin habang dumadaan ang funeral convoy ni Ninoy. Hindi hard core pero ang simpatiya ay obvious. Wala namang nagpuntang sundalo sa bahay namin para hulihin ako.

Hindi po lahat ng Pilipino ay may buktot na karanasan noong Martial Law. Mas marami yung pinili ang magsikap magtrabaho at mabuhay ng tahimik. Yung tatay ko ay isa dun.

Pero ito po ang Ilan sa kaibahan noon at ngayon. Hindi po talamak ang droga dahil bitay ang parusa dito. Walang kalat sa kalye dahil dinadampot sila at dinadala sa presinto o Crame. Hindi trapik at ang bus ay ang Metrobus at Love Bus. Maayos at walang problema ang LRT. Di tulad ngayon.

Noon ang itinatayo ay CCP, PICC, Heart Center, Kidney Center. Ngayon ang itinatayo ay Malls at Call Center. Noon may BLISS urban housing project, ngayon mga condo na ga-posporo ang laki ng bawat unit.

Noon lahat ng itinatayo mukhang para sa bayan. Ngayon ang itinatayo lahat may bayad.

Hindi ko minenemos yung naranasan ng ilang kaibigan ko at ibang tao noong Martial Law dahil sa panindigan nila. Pinili niya yun at hinahangaan ko sila sa landas na pinili nila tahakin. Nirespeto din nila ang desisyon ko na huwag sumama sa kanila.

Pero aminin natin ang katotohanan. Hindi lahat ng Pilipino ay nagdusa noong Martial Law. At mayroon din mga umasenso sa sariling sikap at pagpupunyagi.

Huwag niyo naman sabihin sa amin na hindi totoo ang karanasan namin, na kami ay nagbubulagbulagan. Dahil Ito ang karanasan namin at para sa amin, masakit man sa tenga ninyo pakinggan, walang masamang dinala ang Martial Law sa amin maliban sa resulta ng mga personal na desisyon namin.”


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento