Ang Bell’s Palsy ay isang uri ng paralysis o panghihina ng kalamnang bahagi ng ating mukha kaya nagbubunga ito ng pagtabingi. Karaniwang tinatamaan at namamaga ang cranial nerve VII na nagbibigay suporta sa kalamnan ng mukha.
Ngayon, hindi pa rin malinaw ang dahilan ng Bell’s Palsy. Pero paniwala ng maraming neurologist, dulot ito ng herpes simplex virus. Kapag tinamaan ang cranial nerve VII, dito na nagkaka-Bell’s palsy. May mga taong nag-aakalang dahil ito sa exposure sa lamig, sobrang pag-iisip sa gabi at kung anu-ano pa.
“Nagsimula sa pagbaba ng dugo at pagbaba ng potassium ng katawan. Hanggang sa hindi na natural na pagluluha ng mata at hindi paggalaw ng kanang bahagi ng labi, hindi pag-pikit ng kanang mata, hindi pag-galaw ng kanang kilay at pagtabingi ng kanang pisngi,” kwento niya.
Ayon sa kanyang Facebook post, isa sa mga sanhi kaya`t nagkaroon sya ng ganitong kondisyon ay dahil sa pagtulog ng basa ang buhok. Idinagdad pa ni Pamela na ang ang stress ay nakpagdaragdag, pagkain palagi sa fastfood chain, milk tea, puyat at nakatutok na electric fan o aircon habang natutulog
Sa ngayon ay deleted na ang Facebook post ni Pamela Rollo sa hindi alam natin alam ang dahilan.
Paalala: Ang mga nasabing na dahilan ni Pamela ay pawang nakuha sa kanyang karanasan at wala itong matibay na patunay syentipiko. Kung maaari po ay kumunsulta sa mga eksperto kung may nararamdamang mga sintomas para maagapan ang ganitong kundisyong at maiwasan ang pagkakaroon ng Bell`s Palsy
0 Mga Komento